Ayaw na ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing legal ang paggamit ng medical marijuana.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo nagbago na ng posisyon ang Pangulo sa isyu ng legalisasyon ng medical marijuana sa bansa.
Ayon kay Panelo, naniniwala ang Pangulo na baka samantalahin lamang ito ng mga sindikato ng iligal na droga.
Kumbinsido din ang Pangulo na wala pang konklusibong medical study na makakatulong talaga ang marijuana sa mga may malubhang karamdaman.
Niliwanag din ng Presidential Spokesperson na hangga’t nakaupo sa puwesto ang Pangulo ay hindi niya susuportahan ang legalisasyon ng medical marijuana sa bansa.
—-