Nais ng Palasyo na ipasa na lamang sa Office of the Ombudsman ang pag-iimbestiga sa isyu ng katiwalian na kinasasangkutan ni dating PCSO General Manager Alexander Balutan.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos hilingin ni Balutan kay Pangulong Rodrigo Duterte na maimbestigahan ang kanyang kaso para malinis ang kanyang pangalan.
Ayon kay Panelo, mas mainam kung idiretso na ang kaso ni Balutan sa Ombudsman para matiyak na patas at independent ang isasagawang pagsisiyasat.
Nilinaw naman ng presidential spokesman na depende pa rin kay Pangulong Duterte kung ipag-uutos nito ang hiwalay na imbestigasyon sa Office of the President.
Interesado din anya ang Palasyo na malaman kung mayroon ngang nangyayaring kurapsiyon sa loob ng PCSO.
Magugunitang mariing itinatanggi ni Balutan ang alegasyon ni PCSO Board of Director na bulto-bultong pera ang inihahatid sa opisina ng dating General Manager maliban sa alegasyon ng umano’y pagpabor ni Balutan sa mga dating mistah nito sa pagbibigay ng STL permit.