Muling nabuhay ang usapin hinggil sa panukalang death penalty.
Ito’y matapos mapaulat ang panghahalay at brutal na pagpatay sa 16 taong gulang na si Christine Lee Silawan sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Sa social media, umulan ng panawagan na buhayin ang parusang kamatayan bilang pakiki-simpatya sa pagkamatay ni Silawan na batay sa inisyal na imbestigasyon ay hinalay ng tatlong di pa nakikilalang mga suspek.
Kaugnay nito, nanguna sa trending topics sa bansa sa Twitter ang “#YesToDeathPenalty”.
Si Silawan ay natagpuang wala nang buhay, tadtad ng saksak, walang damit pang ibaba at binalatan ang mukha.
Gabriela on death penalty
Nababahala ang Gabriela Women’s Party na magamit ang brutal na pagpatay sa 16 taong gulang sa Lapu-Lapu City para isulong ang pagpapatupad ng death penalty sa bansa.
Magugunitang dahil sa pang hahalay at paraan ng pagpatay kay Christine Silawan, muling nabuhay ang mga panawagang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.
Gayunman dahil sa krimen, ay mas lalong pag-i-ibayuhin pa umano ng grupo ang kanilang “#LabananAngAbuso” campaign sa mga susunod na araw.
Dito ay hinihikayat nila ang mga kababaihan na magparehistro para labanan ang tumataas na kaso ng sekswal na pang aabuso at pambabastos sa mga babae.