Kamay na bakal ang kailangan para maresolba ang matagal ng problema sa traffic sa Metro Manila partikular sa EDSA.
Ito ang sinabi ni retired Police General Romeo Maganto sa panayam ng programang Ratsada.
Ayon kay Maganto, disiplina ang kailangan at mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko.
“But in my case before, immediately we will impose the discipline, strong hand ang kailangan diyan.” Ani Maganto.
Iminungkahi rin ni Maganto ang paggamit ng color coding na ginawa niya noong siya pa ang in-charge sa traffic ng buong Metro Manila.
“Sa color coding scheme kasi hindi mo lang magagamit ang sasakyan mo for 1 day in 5 days not necessarily 1 week eh kasi that will exclude Saturday and Sunday.” Pahayag ni Maganto.
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita