Mapapasakamay ng mga sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang financial assistance na ipinangako ng gobyerno.
Tiniyak ito ni Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez.
Ayon kay Galvez, ang pamahalaan ay naglaan ng halos 500 million pesos na budget para sa mga miyembro ng Revolutionary Proletarian Army-Alex Boncayao Brigade at NPA na nagbalik-loob sa gobyerno.
Binigyang diin ni Galvez na maaari silang mag-disenyo ng exclusive benefit package sa ilalim ng enhanced comprehensive local integration program.
Bukod dito, ipinabatid ni Galvez na may nakalaang hiwalay na budget para sa social protection, capacity development, livelihood at employment assistance at pabahay.
—-