Pinakakansela ng isang environmental group sa Quezon City Government ang pinaplanong waste to energy facility.
Iginiit ng NBP o No Burn Pilipinas kay Quezon City Mayor Herbert Bautista na ikunsider ang kanilang position paper na isinumite nuon pang enero bago ituloy ang proyekto katuwang ang Metro Pacific Investments Corporation, Covanta Energy, LLC at Macquarie Group Limited.
Dapat anitong pakinggan muna ang concerns ng mga stakeholders at civil society organizations hinggil sa anila’y delikado at nakakamatay na proyekto dahil sa banta nito sa kalusugan ng tao.
Nasa tatlumput limang (35) taon ang concession period para sa nasabing waste to energy project na isinusulong nina councilors Franz Pumaren, Donato Matias, Elizabeth Delarmente at Godofredo Liban.
Sakaling makumpleto ang proyekto kayang i-proseso at i-convert ng facility ang hanggang tatlong libong metriko tonelada ng solid waste kada araw sa 42 megawatts ng renewable energy.
Ang panukalang incinerator ay gagamit ng firegrate para matiyak ang waste combustion na maglalabas ng nakakalasong pollutants tulad ng dioxins at furans.