Nanawagan ang Malacañang sa Kongreso at Senado na itigil na ang patigasan sa pagpasa sa panukalang 2019 national budget.
Ayon kay Presidential Salvador Panelo, maraming naaapektuhan sa nakabinbing pambansang pondo.
Kabilang na rito aniya ang ilang mga proyekto ng pamahalaan at umento sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno.
Sinabi ni Panelo na kapag naisumite na sa Office of the President ang enrolled bill, bubusisiin ng husto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bawat item nito at sisiguraduhing naayon sa constitutional demands.
Magugunitang kagabi ay pinulong ng Pangulo ang liderato ng Kamara at Senado para maayos ang kanilang hindi pagkakasundo sa national budget.
—-