Nagpakalat ng anim na water tankers sa mga ospital sa Metro Manila ang Philippine Red Cross o PRC.
Ito’y matapos humingi ng katiyakan ang Department of Health sa mga water service provider na hindi magkakaroon ng krisis sa tubig sa mga ospital.
Ayon kay PRC Chair Sen. Richard Gordon, maaari silang makatulong sa pangangailangan sa tubig sa mga ospital dahil sa kanilang mga water tankers na kayang maka suplay sa high pressure water system.
Kasabay nito tiniyak ni Gordon na patuloy nilang tutulungan ang mga ospital hanggang sa maging maayos na ang nararanasang problema sa tubig sa NCR.
266 na bagong truck ipamamahagi ng DILG sa mga bumbero
Mamamahagi ang Department of Interior and Local Government o DILG ng 266 na bagong truck sa mga bumbero.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ito ay upang mapahusay pa ang kakayahan ng Bureau of Fire Protection o BFP sa kanilang trabaho na rumesponde sa mga sunog.
Sa tulong ng mga karagdagan truck, mapag iigi pa ng BFP ang fire prevention at supression efforts ng ahensya lalo na ngayong buwan ng marso na pagsisimula ng panahon ng tag-init.
Nakatakdang ipamahagi ang mga bagong fire truck sa mga pangunahing lungsod at munisipalidad sa bansa simula ngayong taon hanggang sa susunod na taon.