Dinakip si Marawi City, Lanao del Sur Vice Mayor Arafat Salic dahil sa kasong rebelyon.
Sa ikinasang joint law enforcement operation inaresto si Salic sa ilalim ng pagkakabilang nito sa Office of the Martial Law Administrator Arrest Order na inilabas nuong September 4, 2017.
Ayon kay Philippine Army 103rd infantry Brigade Commander Col. Romeo Brawner, sa Marawi City Hall dinampot si Salic at dumaan na sa custodial debriefing at medical checkup.
Sa ngayon aniya, itinurn over na ang bise alkalde sa Philippine National Police para sa proper disposition.
Wala namang inilabas pang karagdagang detalye ang AFP kaugnay sa kasong kinakaharap ni Salic.