Sinopla ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison ang Pangulong Rodrigo Duterte sa panawagan nitong magbaba na ng armas ang New People’s Army (NPA).
Ayon kay Sison, tila nasisiraan ng bait o nagpapatawa ang Pangulo sa panggigiit nitong maglatag ng kundisyon para magbalik loob sa gobyerno ang mga rebelde.
Sinabi ni Sison na ang mga kundisyon ng Pangulo sa NPA ay maihahalintulad sa political suicide bago pa man sila magbalik sa negotiating table.
Iginiit ni Sison na ang walang puknat na pag-atake sa NPA ay indikasyon na wala na talagang interes ang pamahalaan na buhayin ang peace talks.
Una rito, hinikayat ng Pangulo ang NPA na magbaba ng armas at ibigay ang kanilang kooperasyon sa land reform program ng pamahalaan.
—-