Umabot na sa P2 million ang reward money sa sinomang makapabibigay ng impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ng mga suspek na pumaslang kay Christine Lee Silawan.
Ito’y makaraang mag-ambag din ng P100,000 si Presidential Assistant to the Visayas Michael Dino at P100,000 rin mula kay Philpost Chairman Norman Fulgencio.
Una rito, nakalikom ng pabuya mula sa Lapu-Lapu City Government ng isang milyong piso, P500,000 mula sa isang dayuhan na nakabase sa Leyte, P200,000 mula sa Cebu Provincial Council for the Welfare of Children at P100,000 mula sa Police Regional Advisory Council.