Ililipat na sa araw ng Biyernes mula sa dating Miyerkules ang opening day para sa mga bagong pelikula sa mga sinehan.
Ayon kay Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño-Seguerra, ito ang napagkasunduan ng mga taga industriya ng pelikula.
Layon aniya nito na mai-ahon ang local film industry dahil tiyak na mas dadagsa aniya ang mga manonood kung Biyernes ang pagbubukas ng isang bago pelikula na malapit sa weekend.
Gayunman, wala pang itinatakdang petsa ang FDCP kung kailan mag-uumpisa ang pagbabago ng schedule ng opening ng mga pelikula.