Patay ang pitong (7) tao matapos na masunog ang isang large office tower sa Dhaka, Bangladesh.
Bukod sa nasawi, halos tatlumpu (30) ang sugatan dahil sa pagtalon mula sa bulding para matakasan ang malakas na apoy.
Tumulong sa mga bumbero ang Air Force para mabilis na maapula ang sunog.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.
—-