Isa pang airstrip ang di umano’y itinatayo ng China sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay Greg Poling, Director ng Center for Strategic and International Studies sa Washington DC, makikita sa mga larawang kuha noong September 8 ang ikatlong airstrip na itinatayo ng China sa Mischief Reef, isa sa mga artificial islands na nilikha ng China sa Spratlys archipelago.
Sinabi ni Poling na malinaw sa mga nakita nilang larawan na sapat ang haba ng airstrip upang ma-accomodate ang mga naglalakihang military planes ng China.
Maliban pa ito sa mga construction ng mga pasilidad para sa daungan ng mga barko.
Binigyang diin ni Poling na dapat ipangamba ito ng Pilipinas dahil mangangahulugan ito ng mas madalas na pagpapatrulya ng China sa Reed Bank kung saan mayroong exploration ng langis at gas ang Pilipinas.
By Len Aguirre