Binigyang pagkilala ng pambansang pulisya ang mga sugatang pulis matapos na makipagsagupaan sa may 20 miyembro ng NPA o New People’s Army sa Brgy. Malabangan, Bagnen Proper sa Mt. Province noong isang linggo.
Mismong si PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde ang nagbigay ng wounded personnel medal kina Corporal Eirphil Lapniten dahil sa kahandaang magbuwis ng buhay para sa pagganap sa kaniyang tungkulin.
Magugunitang nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang leeg si Lapniten na kabilang sa “1502nd Mobile Company of the Regional Force Battalion” habang sila’y nakikipagbakbakan sa mga rebelde.
Dahil dito, sinabi ni Albayalde na posibleng mabigyan ng promosyon bilang staff sergeant si Lapniten at makatatanggap din ito ng 50,000 pesos bilang cash assistance.