Kasado na ang deployment ng mahigit 11,000 pulis para matiyak ang kapayapaan sa paggunita sa mahal na araw simula sa April 15.
Tiniyak muli ito ni NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar na nagsabing ikakalat ang nasabing puwersa sa mga terminal na inaasahang dadagsain ng mga uuwi ng mga lalawigan para duon gunitan ang mahal na araw.
Mayruon din aniyang force multiplier na tutulong sa mga pulis na uubra ring magbantay ng mga bahay na iiwan ng mga tutungo sa mga probinsya.
Kasabay nito ipinabatid ni Eleazar na under control nila ang kalakhang Maynila dahil walang direktang banta naman silang na momonitor.