Nagsampa na ng diplomatic protest ang gobyerno laban sa China.
Ipinabatid ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos i-protesta ng DFA ang halos tatlong daang Chinese vessels na naispatan ng militar na nasa paligid ng pag asa island sa South China Sea mula Enero hanggang nitong nakalipas na Marso.
Hindi naman masabi ni Panelo kung kailan inihain ang nasabing diplomatic protest laban sa China.
Tinawag namang exaggerated ni Panelo ang aniya’y report ng media na 600 barko ng China ang nakapalibot sa Pag-asa Island.