Ipinauubaya na ng Malacañang kay dating Presidential Economic Adviser Michael Yang ang pagpapasiya kung dadalo sa mga isasagawang pagdinig kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang magiging bigat kung hihimukin pa ng Malacañang si Yang na dumalo sa pagdinig ng Kongreso dahil tanging ito lamang ang makakapag-desisyon para sa sarili.
Hinimok naman ni Panelo ang mga nag-aakusa kay Yang na magsampa na lamang ng kaso sa halip na isapubliko pa ito sa media.
Una nang hiniling ni Senadora Leila de Lima sa Senado ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa umano’y pagkakasangkot ni Yang sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa gayundin ang posibleng pag-abuso nito sa kanyang posisyon.
—-