Binalikan ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales si Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Panelo na ang isinampang reklamo nina Morales at dating Department of Foreign Affairs o DFA Secretary Albert del Rosario laban sa Chinese officials sa pangunguna ni President Xi Jinping sa International Criminal Court (ICC) ay futile exercise o walang kuwenta.
Ayon kay Morales, misinformed si Panelo o hindi nito batid kung ano ang nakasaad sa Rome Statute.
Binigyang diin ni Morales na ang nangyari ay krimeng nangyari sa teritoryo ng Pilipinas sa panahon miyembro pa ito ng Rome Statute.
Immaterial na aniya o hindi na mahalaga kung miyembro o hindi ng Rome Statute ang bansang pinanggalingan ng perpetrator o kailangang managot sa kanilang reklamo.
Sinigundahan naman ni Del Rosario ang pahayag ni Morales at sinabing hindi naman kinikilala ng ICC ang ranking ng subject o kinasuhan, pangulo man o prime minister ng isang bansa.
—-