Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulitikong gumagamit ng ‘goons’ ngayong eleksyon upang manakot ng mga botante.
Sinabi ng Pangulo na tatapatan niya ng isang batalyong army ang mga goons ng mga pulitiko.
Tiniyak pa ng Pangulo na ipapahuli din niya ang mga goons na mayroong mga armas.
“Huwag kayong magkamali diyan maggamit ng mga goons, mga ganon kasi papadalhan ko kayo dito ng isang batalyon na army, totoo lang. I will order the Armed Forces to go sa Malabon and hulihin lahat ‘yung mga may armas.” Ani Pangulong Duterte
Mahigpit na pinaalalahanan din ng Pangulo ang mga pulis at militar na manatiling non-partisan o hindi kumikiling o sumusuporta sa anumang partido politikal.
“Mag-neutral kayo o ipaalis ko kayo dito. You must be in the middle. I will not allow the police or the military to be used by anybody – kapartido ko man o kalaban sa politika.”“Their job is to maintain law and order without fear or favor. Iyan ang utos ng Constitution, iyan ang sundin natin.” Pahayag ni Pangulong Duterte
—-