Sumadsad na sa critical level ang antas ng tubig sa Lake Lanao na siyang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya ng mga geothermal plants sa Mindanao.
Batay sa datos ng Lanao del Sur Provincial Disasater Risk Reduction Office, kasalukuyang nasa 697 meters na ang water level sa Lake Lanao.
Mas mababa na anila ito sa critical level na 699 meters.
Patuloy namang minomonitor ng PDRRMO ang sitwasyon sa lawa lalo’t kakasimula pa lamang ng panahon ng tag-init at inaasahang tatagal pa hanggang Hunyo ang epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.
Samantala, kanila ring pinangangambahan na makaapekto sa supply ng kuryente sa Mindanao kung magtutuloy-tuloy pa pagbaba ng water level sa Lake Lanao.
—-