Sinimulan na ng International Criminal Court (ICC) ang preliminary investigation sa kasong crimes against humanity na inihain ng National Union of Peoples Lawyers (NUPL) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa liham ng ICC sa NUPL, nasasaad na ang reklamong inihain ng ICC laban sa pangulo ay kahalintulad ng isa pang kaso na isinalang nila sa preliminary examination.
Tiniyak ng ICC sa NUPL na pag aaralan nilang mabuti ang reklamo at kung ano ang koneksyon nito sa iba pang mga reklamong natanggap na rin nila.
Unang naghain ng reklamo sa ICC laban kay Pangulong Duterte si Atty. Jude Sabio nuong April 2017.