Tiniyak ng Malacañang na patuloy nilang tututukan ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ito ay sa kabila ng patuloy na pagbagal ng inflation rate kung saan naitala nitong Marso ang 3.3 percent.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kampante ang gobyerno na magtutuloy-tuloy ang pagbagal ng inflation ngayong taon lalo’t nalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11-20-3 o ang Rice Tariffication Law.
Gayunman, sinabi ni Panelo na tututukan pa rin ng pamahalaan ang presyo ng mga bilihin sa harap ng nararanasan ngayong El Niño phenomenon.
Una rito, sinabi ng economic managers ng Pangulo na nasa 0.5 hanggang 0.7 percent ang ibaba ng presyo ng bigas ngayong taon.
—-