Mas mainit na temperatura pa ang posibleng maranasan sa bansa ngayong panahon ng tag-init.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, posibleng pumalo sa 38 degrees Celsius ang temperatura ngayong abril dala ng panahon ng tag-init na pinapa-igting pa ng nararanasang mahinang El Niño.
Dagdag pa ni Raymond Ordinario, Weather Forecaster ng PAGASA, ngayong Abril ang pinakamainit na buwan ngayong taon.
Kaya’t payo ng PAGASA sa publiko, manatili na muna sa loob ng bahay at iwasan ang magbabad sa matinding sikat ng araw upang maiwasan ang pagkaranas ng heatstroke at anumang uri ng insidente.
—-