Tila nawawala na umano sa kaniyang sariling katinuan si Pangulong Rodrigo Duterte kaya’t lantaran na ang kaniyang pagwawalang bahala sa saligang batas.
Iyan ang reaksyon ni Sen. Leila De Lima sa naging banta ng pangulo na sususpindehin nito ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus at magdideklara ito ng isang revolutionary war sakaling hindi tigilan ng kaniyang mga kritiko.
Ikinumpara rin ni De Lima ang pangulo sa isang asong ulol na sabik na sabik na dumanak ang dugo sa bansa dahil lamang sa hindi matagalan ang kritisismong inaabot ng kaniyang administrasyon.
Hindi aniya kailangan ng Pilipinas ang isang madugong rebolusyon sa halip ay ang rebolusyon ng konsensya na makita ng mga nagbubulag-bulagan kung ano ang tunay na pangyayari sa lipunan sa kasalukuyan.