Nagsagawa ng airstrike ang Eastern Libyan Forces sa bahagi ng Southern Tripoli sa Libya nitong linggo.
Ito ay matapos mabigo ang United Nations (UN) na makabuo ng kasunduan para sa tigil-putukan sa pagitan ng puwersa ni Prime Minister Fayez Mustafa Al-Sarra at Libyan National Army ni Khalifa Haftar.
Batay sa ulat ikinagulat ng UN ang ikinasang opensiba ng Libyan National Army sa kabila ng kanilang hakbang na makabuo ng kasunduan para sa isang halalan na makalulutas sa tensyon sa nasabing bansa.
Nitong Biyernes, napasok na ng Libyan National Army ang katimugang bahagi ng Tripoli at inanunsiyong matagumpay na nilang nakuha ang operasyon ng dating international airport doon.
—-