Humihiling ng omento sa kanilang buwanang pensyon ang mga biyuda ng mga beterano ng World War II.
Batay sa ulat, inihihirit ng mga biyuda ng war veterans sa pamahalaan na gawing P20,000 ang kasalukyang P5,000 na kanilang buwanang pension.
Ayon sa kanila, matagal nang hinintay ng kanilang mga yumaong asawa ang dagdag sa kanilang pensyon hanggang sa nakamatayan na lamang anila ang mga ito.
Magugunitang nakatatanggap lamang ng anim na libong pisong (P6,000) buwanang pensyon ang mga beterano bago ito ginawang dalawampung libong piso (P20,000) nito lamang enero.
Iginiit naman ng mga biyuda ng mga beterano na kinakailangan nila ang omento sa pensyon para sa gastos sa kanilang gamot.
—-