Nakatakda nang ipamahagi ang dagdag na labing walong (18) ektaryang lupain sa mga katutubong Aeta na beneficiary ng agrarian reform beneficiaries at magsasaka sa isla ng Boracay.
Kasunod na rin ito nang pagbisita sa isla ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary John Castriciones.
Ayon kay Castriciones, tinutukoy na nila ang mga beneficiary bilang bahagi pa rin ng pangako ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay ang bahagi ng lupa sa Boracay sa agrarian reform beneficiaries.
Magugunitang November 2018 nang ipamahagi ng Pangulo ang mahigit 600 certificates of land ownership award o CLOA sa mga beneficiary ng lupain sa Boracay.
—-