Maglulunsad na ng pag-atake ang France sa bansang Syria.
Ayon kay French President Francois Hollande, ito ay bilang pakikiisa sa paglaban kontra sa teroristang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Gayunman, hindi binanggit ni Hollande kung kailan eksaktong isasagawa ang naturang airstrike.
Hanggang ngayon kasi ay sa Iraq lamang umaatake ang France sa pangambang ang magbebenepisyo dito ay si Syrian President Bashar Al Assad.
By: Ralph Obina