Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na maging alerto at maingat ngayong Holy Week at sa kabuuan ng summer vacation.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, kung maaari ay huwag nang mag-post sa social media hinggil sa nakalinyang aktibidad ngayong bakasyon.
Dapat rin aniyang tiyakin na nakasarang mabuti o kaya ay ipagbilin sa kapitbahay ang iiwanang bahay ngayong bakasyon.
Sinabi ni Albayalde na para sa ligtas na bakasyon ang hindi lamang ngayong Semana Santa kundi para sa buong summer vacation ang inilunsad nilang SumVac 2019, isang security plan na naglalayong tiyakin ang kaayusan at kapayapaan sa mga komunidad.
Magtatapos ang SumVac 2019 sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.
—-