Nag-abiso na ang pamunuan ng LRT 2 kaugnay sa operasyon nito sa Holy Week.
Ayon sa LRT 2, April 17 o Miyerkules Santo ay magpapatupad sila ng shortened operation kung saan ang huling biyahe ng tren mula Santolan ay alas siyete ng gabi at alas siyete y medya naman ng gabi ang alis ng huling tren galing Recto.
Wala namang operasyon ang LRT 2 mula Huwebes Santo, April 18 hanggang April 21 o Linggo ng Pagkabuhay.
Balik na sa April 22, Lunes ang normal na operasyon ng LRT 2.
Ang LRT 2 ay may biyaheng Santolan sa Pasig City hanggang Recto sa Maynila at pabalik.