Pinag-aaralan ng Cordillera Police Regional Office kung irerekomenda sa Commission on Elections (Comelec) ang pagsailalim sa dalawang bayan sa Mountain Province bilang areas of concern.
Kasunod na rin ito ng namataang presensya at aktibidad ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga bayan ng Bauko at Tadian.
Ayon pa kay Cordillera PNP Regional Director Police Brigadier General Ephraim Dickson ang mga bayan ng Sadanga at Bontoc ay nasa red category ng election hotspots kaugnay sa halalan.
Ipinag-utos na ni PNP Chief Oscar Albayalde ang pagpapanatili ng full alert status ng lahat ng unit ng pulisya sa Mt. Province laban sa mga posibleng plano o pagtatangka ng mga komunista.