Permanente na ang inisyung temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema kaugnay sa pagpuputol ng puno sa Luneta Hill kung saan nakatayo ang isang malaking mall.
Ayon kay Court Spokesman Brian Keith Hosaka, uubra pa namang mag file ng bagong application ng environmental compliance certificate (ECC) ang nasabing mall batay na rin sa batas.
march 2017 nang ipalabas ng Korte Suprema ang nasabing TRO base na rin sa kahilingan ng Cordillera Global Network laban sa pagputol ng mga puno para sa Sky Park Project ng nasabing malaking mall.