Umapela si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na mailipat sa Manila ang pagdinig sa kinakahaharap na kasong murder.
Kaugnay ito ng umano’y pagpatay kay Ako Bicol Party list Representative Rodel Batocabe.
Sa kanyang ipinalabas na pahayag, iginiit ni Baldo na nakatatanggap siya ng mga pagbabanta laban sa ilang mga hindi niya tinukoy na personalidad na aniya’t mga tunay na nasa likod ng pagpatay kay Batocabe at police escort nito.
Una nang sinampahan ng patung-patong na kaso si Baldo matapos na itong tukuyin ng Philippine National Police (PNP) bilang mastermind ng pagpatay kay Batocabe at SPO2 Orlando Diaz.