Mahigit 50 opisyal ng barangay ang sinampahan ng reklamo ng Department of Interior and Local Government o DILG dahil sa pagkakasangkot sa partisan politics.
Ito’y makaraang makatanggap ang DILG ng mga reklamo laban sa mga opisyal ng barangay na lantarang ikinakampanya ang kanilang mga sinusuportahang kandidato.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, inihain nila ang mga reklamo sa Commission on Elections laban sa ilang kapitan ng barangay at sangguniang kabataan officials na nagmula pa sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Giit ni Densing, nakasaad sa joint memorandum ng COMELEC at Civil Service Commission na ang pangulo, bise-presidente at iba pang elected officials maliban sa mga opisyal ng barangay ang maaari lamang masangkot sa partisan politics.