Niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang Indonesia.
Agad nagpalabas ng tsunami warning ang mga otoridad doon kasabay ng paghimok sa mga residente na lumikas patungo sa mas mataas na lugar.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 280 kilometro timog ng probinsya ng Gorontalo sa lalim na 43 hours.
Ayon kay Geophysics Spokesperson Taufan Maulana, malaking sunami ang inaasahan nilang tatama matapos ang naturang lindol.
Sa ngayon wala pa namang napapaulat na nasawi o napinsala sa naturang paglindol.
Matatandaang isang dekada na ang lumilipas nang tumama ang dalawang malalakas na tsunami sa Palu na ikinasawi ng mahigit 3,000 katao.