Hindi na bakal kundi sticker o decal na lamang ang gagamitin sa ilalagay na plate number sa harap ng mga motorsiklo.
Ito ang naging pahayag ng Land Transportation Office (LTO) sa isinagawang public consultation.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante, pinag kakasunduan na lamang ang magiging tamang size ng naturang plaka sa harapan ng mga motor.
Ilalabas ang desisyon bago ang siyamnapung araw na itinakda ng batas na bumalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) ng Motorcycle Prevention Act.
Una nang kinontra ng ilang motorcycle riders ang pagkakaroon ng metal na plate number sa haraping bahagi dahil posible itong magdulot pagkasugat at fatal injuries sa mga riders.