Nakatakdang isailalim sa road reblocking ang ilang mga kalsada sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH, nagsimula ang road reblocking at repair sa ilang kalsada sa EDSA at C-5 road kahapon at magtatagal hanggang alas 5:00 ng umaga sa Lunes.
Samantala, isasara naman sa daloy ng trapiko ang 21 kalye sa Makati sa pagsapit ng Semana Santa.
Ito’y bilang paghahanda naman sa tradisyonal na pagtatayo ng ‘Kubol’ o tinatawag na ‘Kalbaryos’ sa bahagi ng Makati.
Ilan lamang sa mga isasarang kalye sa Makati ang General Luna, Enriquez, San Marcos, San Juan, Don Pedro at Guanzon Street.
Sarado ang mga naturang kalye mula ala 6:00 ng umaga bukas, hanggang alas 10:00 ng gabi sa susunod na linggo, Abril 21.
Pinapayuhan naman ang mga motorista na gumamit na lamang ng alternatibong ruta para makaiwas sa abala.