Iginiit ni Bise Presidente Leni Robredo na lahat ng mga opisyal ng gobyerno maging mga hindi nahalal ay obligadong ideklara ang lahat ng kanilang yaman sa kanilang state of assets, liabilities and net worth (SALN).
Ito ang naging reaksyon ni Robredo kaugnay sa isyu ng SALN ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dapat aniyang magkaroon ng patas na pakikitungo anuman ang posisyon nito sa ilalim ng batas.
Marami aniyang low ranking government employees na nagmumulta dahil sa bigong pagsusumite ng kanilang tunay na estado ng kanilang yaman.
Binigyang diin pa ng pangalawang pangulo na iwinaksi niya ang kanyang interes sa negosyo mula nang pumasok siya sa pagseserbisyo sa gobyerno.