Nasakote ng Quezon City Police District o QCPD ang isa sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group o ASG na nahaharap sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention.
Kinilala ni QCPD Director, Brig. Gen. Joselito Esquivel ang naaresto na si Abuhair Kullim Indal alyas ‘Anual Dasir’ at Abu Khair.
Ayon kay Esquivel, naaresto si Indal ng Criminal Investigation and Detection Unit, PNP -Intellegence Group, Talipapa Police Station at SWAT sa kanya mismong bahay sa Cotabato Street, Salam Compound, Barangay Culiat.
Pero naging pahirapan ang pag-aresto kay Indal dahil sa may hawak itong granada nang masukol ng mga otoridad.
Si Indal ay sinasabing pinagkakatiwalaang tauhan ni ASG Commander Furuji Indama at dati ring naging tauhan ng sub-leader na si Nur Hassan Jamiri.
Sangkot ang suspek sa pagdukot sa 15 manggagawa ng Golden Harvest Plantation sa Barangay Tairan, sa Lantawan, Basilan noon sa nangyaring engkuwentro sa Kumalarang, Basilan noong 2001.
(with report from Jaymark Dagala)