Nagbitiw sa puwesto ang chief operation officer (COO) ng Manila Water company na si Geodino Carpio.
Sa gitna na rin ito ng usapin sa kakulangan ng supply ng tubig.
Ayon kay Dittie Galang, Communications Planning and Tactical Development Manager ng Manila Water, tinanggap na ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang resignation ni Carpio epektibo ngayong araw na ito bagama’t magtatrabaho pa ito hanggang sa katapusan ng buwang ito.
Dahil dito, ipinabatid ni Galang na kaagad pinili ng Board of Directors si Abelardo Basilio bilang COO ng Manila Water kapalit ni Carpio.
Si Carpio na naging visible dahil sa pagpapaliwanag sa naranasang kakapusan ng supply ng tubig sa Metro Manila nitong nakalipas na buwan ay isang civil engineer at 22 taong nanungkulan sa Manila Water.
—-