Kasado na ang gagawing testing ng National Telecommunications Commission o NTC upang sukatin ang internet speed na ibinibigay ng mga Telcos.
Unang isasalang sa pilot testing ang mga kumpaniyang PLDT, Globe, Bayantel at Sky sa pamamagitan ng mga handheld service testers.
Dito, malalaman kung nagtutugma ba sa actual download ng bawat subscriber ang mga packages na iniaalok ng mga Telcos.
Pagkatapos nito, may gagawin ding testing ang NTC sa mga lugar na alam ng mga Telcos gayundin sa mga undisclosed locations upang malaman kung gaano kabilis o kabagal ang ibinibay na internet speed ng mga kumpaniya.
Unang gagawin ang nasabing testing sa mga fixed computer set up tulad ng sa bahay o opisina at isusunod dito ang sa mga mobile phones.
By Jaymark Dagala