Muling pinayuhan ng Maynilad ang kanilang mga customer na mag-ipon ng sapat na tubig sa gitna ng naka-umang na water service interruptions ngayong Semana Santa.
Ayon sa Maynilad, hangga’t maaari ay mag-imbak ng tubig sa mga malinis na container na may takip, pakuluan ang tubig kung iinumin o gagamitin sa pagluluto at iwasang patagalin sa mga balde upang maiwasan ang kontaminasyon.
Una ng inanunsyo ng naturang water concessionaire na magkakaroon sila ng network enhancement activities simula kahapon, Abril 16 hanggang 20 o Sabado De Gloria.
Kabilang sa mga maaapektuhan ng lima hanggang 30 oras na service interruption ang ilang bahagi ng Maynila, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Parañaque, Pasay, Las Piñas at Bacoor, Cavite.
—–