Nanawagan ng agarang ceasefire o tigil-putukan sa New People’s Army (NPA) si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang talumpati sa campaign rally ng PDP-Laban sa Tuguegarao City Cagayan, iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nang itigil ng mga rebelde ang kanilang ginagawang pag-atake sa mga sundalo at panghihingi ng revolutionary taxes.
Ito aniya ay kung nais ng mga ito ng tunay at matinong usapang pangkapayapaan.
“Yung mga NPA, gusto talaga ninyo ng usapang matino, immediate ceasefire.” Walang magdala ng armas sa kampo ninyo, walang taxation, walang pagsunog.” Ani Pangulong Duterte
Kasabay nito, muling inulit ni Pangulong Duterte ang alok kay Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Joma Sison na bumalik ng bansa para makipag-usap sa gobyerno.
”Umuwi ka dito, Sison. Ako’ng bahala sa ‘yo. Hindi ako traydor na tao. I give you my word of honor. Mag-usap tayo.”
But nothing about coalition gov’t. You can never have even an iota of the sovereign power of the Republic of the Philippines.” Pahayag ni Pangulong Duterte
—-