Idineklara na ng Malacañang ang half-day work sa mga opisina ng gobyerno ngayong araw, Miyerkoles Santo.
Sa inilabas na abiso ng Palasyo na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, hanggang alas-12:00 ngayong tanghali na lamang ang pasok ng mga empleyado ng gobyerno.
Ito ay para sa mas maayos na pag-obserba ng mahal na araw at mabigyan ng mas mahabang oras ang mga uuwi sa probinsya para sa paggunita ng Semana Santa.
Deklaradong regular holiday ang April 18 hanggang 19.
Hindi naman kasama ng mga front line offices na may kinalaman sa health services at disaster response.
Ipinauubaya na sa mga may-ari ng kumpanya ang pag-suspinde naman ng trabaho sa mga pribadong opisina.
JUST IN:
Palasyo, nagdeklara na ng half day work sa mga empleyado ng gobyerno ngayong araw, April 17, 2019 pic.twitter.com/MEOGs9YSjQ— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 17, 2019
—-