Isinusulong ng minorya sa Kamara ang paggamit ng PSF o Peoples Survival Fund kasunod ng nararanasang matinding tagtuyot.
Umaabot na sa 61 porsyento sa buong bansa kasama na ang Metro Manila ang nakakaranas ng matinding tagtuyot dahil sa el niño.
Ayon kay Deputy Minority Leader Luis Campos, dapat nang gamitin ang PSF para makapagpatayo ng rainwater harvesters o collectors ang bawat komunidad kung saan tuwing tag-ulan ay may pasilidad na magagamit para makapag ipon ng tubig ulan at maaaring gamitin sakaling kulangin ng supply ng tubig.
Ang PSF ay nabuo sa ilalim ng Climate Change Act of 2009 kung saan taon taon ay may isang bilyong pisong alokasyon para rito.
Binibigyang subsidy ng PSF ang climate change adaptation at natural disaster resilience strategies para sa worst weather conditions tulad ng el niño, la niña, habagat at iba pa.
ibinabala pa ng kamara ang mas matindi pang init ng panahon ngayong buwan na magdudulot din ng pagbaba ng water level sa mga dam at lawa na siyang nagsu supply ng irrigation water sa mga magsasaka.