Siniguro ng Commission on Elections (Comelec) na iimbestigahan nila ang mga sumbong na nakarating sa kanila kaugnay sa mga kandidatong lumabag sa pangangampanya kahit Semana Santa.
Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, masusing sinasala ng komisyon ang mga sumbong na natatanggap nila upang malaman kung may katotohanan ito at kung ano ang mga karampatang aksyon na dapat na gawin.
Magugunitang, dalawang araw na ban ang ibinaba ng poll body laban sa lahat ng uri ng pangangampanya para sa mga araw ng Huwebes at Biyernes santo.
Pahayag ni Jimenez, imposibleng hindi alam ng mga kandidato ang nakasaad sa Comelec Resolution 10488 na nagsasabing labag sa batas ang naturang aktibidad.
Hinggil sa giit ng komisyon, malinaw na nakatala ito sa Comelec Resolution 10488, kaya imposibleng hindi alam ng mga politiko na labag sa batas ang nasabing mga aktibidad.
Samantala, maaga namang nagbalik sa pangangampanya ang ilang kandidato kasabay ng araw ng Sabado de Gloria kahapon.