Sasalubungin ng good news ang mga motoristang nagsipag-byahe ngayong Mahal na Araw.
Ito’y makaraang iaanunsyo ng oil company, na asahan na umano ang bahagyang pagbaba ng presyo ng krudo sa ika-apat na linggo ng buwang ito.
Base sa pagtaya ng Unioil, maaring matapyasan ng .10 ang kada litro ng diesel.
Habang wala namang anumang magiging paggalaw o pagbaba sa kada litro ng gasolina.
Ayon naman sa sa Jetti Petroleum, posibleng mag-rollback ng lima hanggang sampung sentimo ang presyo ng kada litro ng diesel, samantalang limang sentimo naman ang inaasahan umanong mababawas sa gasoline.
Nabatid na ang kakarampot na bawas presyong ito ng mga nasabing oil companies ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.