Pangungunahan nina Pangulong Rodrigo Duterte at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang kauna-unahang Boao forum for Asia (BFA) sa Pilipinas simula ngayong araw hanggang bukas.
Ang forum ay may temang “Concerted Action for Common Development in the New Era” na nakatakdang daluhan ng nasa tatlong daang (300) Filipino at Chinese business leaders para sa investment opportunities sa Pilipinas at Tsina.
Kapwa maghahatid ng kani-kanilang talumpati sina Pangulong Duterte at Forum Secretary-General Li Badong sa nabanggit na event na gaganapin sa Bonifacio Global City, Taguig.
Ang BFA ay kasalukuyang pinangangasiwaan ni dating United Nations Secretary-General Ban Ki Moon ng South Korea habang board member si dating Pangulong Arroyo.