Balik operasyon na ang Metro Rail Transit – 3 (MRT-3) ngayong araw matapos ang isang linggong maintenance activities.
Kinumpirma ng Department of Transportation (DOTr) na naging matagumpay ang isinagawang simulation test sa MRT-3 kahapon na indikasyong maaari na muling patakbuhin ang mga tren at bagon.
Layunin ng simulation test na suriin kung wasto at angkop ang lahat ng pinalitan at inayos na bahagi ng tren, riles at sistema ng nabanggit na railway transit.
Sa kabuuan ay labing-pitong (17) tren ang inayos ng maintenance transition team noong mahal na araw upang matiyak na may labinglima (15) pang tren at dalawang (2) tren na reserba ang MRT-3 sa mga susunod na araw ng operasyon.